Surah 23 · Juz 18
Al-Mu'minun · 23:85
سَيَقُولُونَ لِلَّهِ ۚ قُلْ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Magsasabi sila: "Sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mag-aalaala?"
Tafsir
Magsasabi sila: " Ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito ay sa kay Allāh." Kaya sabihin mo sa kanila: "Hindi ba kayo magsasaalaala na ang sinumang sa Kanya ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo?"
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah