Surah 23 · Juz 18
Al-Mu'minun · 23:78
وَهُوَ الَّذِي أَنْشَأَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۚ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ
Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kakaunti ang pagpapasalamat [na inyong isinusukli]!
Tafsir
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha para sa inyo, O mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli, ng pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipantalos ninyo. Sa kabila niyon ay hindi kayo nagpapasalamat sa mga biyayang ito malibang kaunti.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah