Surah 23 · Juz 18
Al-Mu'minun · 23:75
۞ وَلَوْ رَحِمْنَاهُمْ وَكَشَفْنَا مَا بِهِمْ مِنْ ضُرٍّ لَلَجُّوا فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ
Kahit pa man naawa Kami sa kanila at nag-alis Kami ng taglay nilang kapinsalaan ay talagang magpupumilit sila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap.
Tafsir
Kahit pa naawa Kami sa kanila at pumawi Kami sa kanila ng dinaranas nilang tagtuyot at pagkagutom ay talagang magpapatuloy sila sa pagkaligaw nila palayo sa katotohanan, na nag-aatubili at nangangapa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah