Surah 23 · Juz 18

Al-Mu'minun · 23:70

أَمْ يَقُولُونَ بِهِ جِنَّةٌ ۚ بَلْ جَاءَهُمْ بِالْحَقِّ وَأَكْثَرُهُمْ لِلْحَقِّ كَارِهُونَ

O nagsasabi sila na sa kanya ay may isang kabaliwan? Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanan, ngunit ang higit na marami sa kanila sa katotohanan ay mga nasusuklam.

Tafsir

Bagkus nagsasabi silang siya ay baliw. Talaga ngang nagsinungaling sila. Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanang walang pag-aatubili hinggil dito na ito ay mula sa ganang kay Allāh, habang ang karamihan sa kanila ay mga nasusuklam sa katotohanan, mga namumuhi rito dala ng inggit mula sa ganang mga sarili nila at dala ng pagkapanatiko sa kabulaanan nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah