Surah 23 · Juz 18

Al-Mu'minun · 23:20

وَشَجَرَةً تَخْرُجُ مِنْ طُورِ سَيْنَاءَ تَنْبُتُ بِالدُّهْنِ وَصِبْغٍ لِلْآكِلِينَ

at ng isang punong-kahoy na lumalabas mula sa bundok ng Sinai na nagpapatubo ng langis at isang sawsawan para sa mga kumakain.

Tafsir

Nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan niyon ng punong-kahoy ng oliba na lumalabas sa rehiyon ng bundok ng Sinai, na nagpapatubo ng langis na hinahango mula sa bunga nito, na ipinanlalangis at ipinang-uulam.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah