Surah 20 · Juz 16

Ta-Ha · 20:81

كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ وَلَا تَطْغَوْا فِيهِ فَيَحِلَّ عَلَيْكُمْ غَضَبِي ۖ وَمَنْ يَحْلِلْ عَلَيْهِ غَضَبِي فَقَدْ هَوَىٰ

Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo at huwag kayong magmalabis dito sapagkat dadapo sa inyo ang galit Ko at ang sinumang dumapo sa kanya ang galit Ko ay napariwara nga.

Tafsir

Kumain kayo mula sa mga minamasarap kabilang sa itinustos Namin sa inyo kabilang sa mga pagkaing ipinahihintulot. Huwag kayong lumampas sa pinayagan Namin para sa inyo patungo sa ipinagbawal Namin sa inyo para [hindi] bumaba sa inyo ang galit Ko. Ang sinumang bumaba sa kanya ang galit Ko ay napahamak nga at nalumbay nga sa Mundo at Kabilang-buhay.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah