Surah 20 · Juz 16

Ta-Ha · 20:63

قَالُوا إِنْ هَٰذَانِ لَسَاحِرَانِ يُرِيدَانِ أَنْ يُخْرِجَاكُمْ مِنْ أَرْضِكُمْ بِسِحْرِهِمَا وَيَذْهَبَا بِطَرِيقَتِكُمُ الْمُثْلَىٰ

Nagsabi sila: "Tunay na ang dalawang ito ay talagang dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa at mag-alis sa pamamaraan ninyong pinakauliran."

Tafsir

Nagsabi ang iba sa mga manggagaway sa iba pa sa kanila nang palihim: "Tunay na sina Moises at Aaron ay dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa na inihatid nilang dalawa at mag-alis sa kalakaran ninyong pinakamataas sa buhay at katuruan ninyong pinakamatayog.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah