Surah 20 · Juz 16
Ta-Ha · 20:52
قَالَ عِلْمُهَا عِنْدَ رَبِّي فِي كِتَابٍ ۖ لَا يَضِلُّ رَبِّي وَلَا يَنْسَى
Nagsabi siya: "Ang kaalaman doon ay nasa ganang Panginoon ko sa isang talaan. Hindi naliligaw ang Panginoon ko at hindi Siya nakalilimot.
Tafsir
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga – kay Paraon: "Ang kaalaman sa lagay noon ng mga kalipunang iyon ay nasa ganang Panginoon ko, na napagtibay sa Tablerong Pinag-iingatan. Hindi nagkakamali ang Panginoon ko sa kaalaman doon at hindi Siya nakalilimot sa alam Niya mula roon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah