Surah 20 · Juz 16
Ta-Ha · 20:45
قَالَا رَبَّنَا إِنَّنَا نَخَافُ أَنْ يَفْرُطَ عَلَيْنَا أَوْ أَنْ يَطْغَىٰ
Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, tunay na kami ay nangangamba na magdali-dali siya [sa pagpaparusa] sa amin o magmalabis siya."
Tafsir
Nagsabi sina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pangangalaga: "Tunay na kami ay nangangamba na magmadali siya sa kaparusahan bago ng pagkalubos ng paanyaya sa kanya o na lumampas siya sa hangganan sa paglabag sa amin sa katarungan sa pamamagitan ng pagpatay o iba pa."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah