Surah 20 · Juz 16
Ta-Ha · 20:42
اذْهَبْ أَنْتَ وَأَخُوكَ بِآيَاتِي وَلَا تَنِيَا فِي ذِكْرِي
Pumunta ka at ang kapatid mo dala ang mga tanda Ko at huwag kayong dalawang lumubay sa pag-alaala sa Akin.
Tafsir
Pumunta ka mismo, O Moises, at ang kapatid mong si Aaron kalakip ng mga tanda Kong nagpapatunay sa kakayahan Ko at kaisahan Ko. Huwag kayong dalawang manghina sa pag-aanyaya tungo sa Akin at sa pag-alaala sa Akin.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah