Surah 20 · Juz 16
Ta-Ha · 20:135
قُلْ كُلٌّ مُتَرَبِّصٌ فَتَرَبَّصُوا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ مَنْ أَصْحَابُ الصِّرَاطِ السَّوِيِّ وَمَنِ اهْتَدَىٰ
Sabihin mo: "Bawat isa ay nag-aantabay; kaya mag-antabay kayo at malalaman ninyo kung sino ang mga kasamahan sa landasing tumpak at kung sino ang napatnubayan."
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Bawat isa sa amin at sa inyo ay naghihintay ng anumang pangyayarihin ni Allāh; kaya maghintay kayo mismo sapagkat makaaalam kayo – nang walang pasubali – kung sino ang mga kasamahan ng daang tuwid at kung sino ang mga napatnubayan: kami o kayo?"
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah