Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:94

قُلْ إِنْ كَانَتْ لَكُمُ الدَّارُ الْآخِرَةُ عِنْدَ اللَّهِ خَالِصَةً مِنْ دُونِ النَّاسِ فَتَمَنَّوُا الْمَوْتَ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ

Sabihin mo: "Kung ukol sa inyo ang tahanang pangkabilang-buhay sa piling ni Allāh nang natatangi bukod pa sa mga tao ay magmithi kay ng kamatayan kung kayo ay mga tapat."

Tafsir

Sabihin mo, O Propeta: "Kung ukol sa inyo, O mga Hudyo, ang Paraiso sa tahanan sa Kabilang-buhay nang natatangi, na hindi papasok doon ang iba sa inyo, ay magmithi kayo ng kamatayan at humiling kayo nito upang magkamit kayo ng kalagayang ito nang mabilis at makapagpahinga kayo sa mga pabigat ng buhay na pangmundo at mga alalahanin nito, kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyong ito."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah