Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:92
۞ وَلَقَدْ جَاءَكُمْ مُوسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ ثُمَّ اتَّخَذْتُمُ الْعِجْلَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَنْتُمْ ظَالِمُونَ
Talaga ngang nagdala sa inyo si ng malilinaw na patunay. Pagkatapos ay gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] noong matapos [ng pag-alis] niya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan.
Tafsir
Talaga ngang naghatid sa inyo ang sugo ninyong si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan niya. Pagkatapos, matapos niyon ay gumawa kayo sa guya bilang diyos na sinasamba ninyo matapos ng pag-alis ni Moises para sa pakikipagtipan sa Panginoon niya habang kayo ay tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal ninyo kay Allāh samantalang Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya na walang iba pa sa Kanya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah