Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:83

وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَاقَ بَنِي إِسْرَائِيلَ لَا تَعْبُدُونَ إِلَّا اللَّهَ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا وَذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَقُولُوا لِلنَّاسِ حُسْنًا وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ ثُمَّ تَوَلَّيْتُمْ إِلَّا قَلِيلًا مِنْكُمْ وَأَنْتُمْ مُعْرِضُونَ

[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos]: "Hindi kayo sasamba maliban kay Allāh; sa mga magulang ay gumawa ng maganda, at sa may mga pagkakamag-anak, mga ulila, at mga dukha; magsabi kayo sa mga tao ng maganda; magpapanatili kayo ng pagdarasal; at magbigay kayo ng zakāh." Pagkatapos ay tumalikod kayo maliban sa kakaunti sa inyo habang kayo ay mga umaayaw.

Tafsir

Banggitin ninyo, O mga anak ni Israel, ang kasunduang binigyang-diin na ipinataw sa inyo, [na nag-uutos] na maniwala kayo sa kaisahan ni Allāh at huwag kayong sumamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya; na gumawa kayo ng maganda sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, mga dukha, at mga nangangailangan; na magsabi kayo sa mga tao ng isang pananalitang maganda, ng isang pag-uutos sa nakabubuti, at ng isang pagsaway sa nakasasama nang walang kagaspangan at katindihan; na magsagawa kayo ng pagdarasal nang lubusan ayon sa paraang ipinag-utos sa inyo; at na magbigay kayo ng zakāh sa pamamagitan ng paggugol nito sa mga karapat-dapat dito nang maluwag sa mga sarili ninyo." Pagkatapos matapos ng kasunduang ito na ipinataw sa inyo, lumisan kayo habang mga umaayaw sa pagtupad nito, maliban sa ipinagsanggalang ni Allāh kabilang sa inyo sapagkat tumupad sila kay Allāh ng kasunduan sa Kanya at tipang sa Kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah