Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:73

فَقُلْنَا اضْرِبُوهُ بِبَعْضِهَا ۚ كَذَٰلِكَ يُحْيِي اللَّهُ الْمَوْتَىٰ وَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ

Kaya nagsabi Kami: "Humampas kayo sa kanya ng bahagi ng [bakang] iyon." Gayon nagbibigay-buhay si Allāh sa mga patay. Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya nang sa gayon kayo makapag-uunawa.

Tafsir

Kaya nagsabi Kami sa inyo: "Humampas kayo sa pinatay ng isang bahagi ng bakang ipinag-utos sa inyong katayin sapagkat tunay na si Allāh ay magbibigay-buhay sa kanya upang magpabatid sa kanya kung sino ang pumatay." Kaya ginawa nila iyon, at nagpabatid sa kanya ng pumatay sa kanya. Tulad ng pagbibigay-buhay sa patay na ito, magbibigay-buhay si Allāh sa mga patay sa Araw ng Pagbangon. Nagpapakita Siya sa inyo ng mga patunay na malinaw sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa niyon at sumampalataya nang totoo kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah