Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:64
ثُمَّ تَوَلَّيْتُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۖ فَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ لَكُنْتُمْ مِنَ الْخَاسِرِينَ
Pagkatapos ay tumalikod kayo noong matapos niyon, ngunit kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya ay talaga sanang kayo ay naging kabilang sa mga lugi.
Tafsir
Walang nangyari sa inyo malibang umayaw kayo at sumuway kayo matapos ng pagtanggap ng tipang binigyang-diin sa inyo. Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo sa pamamagitan ng pagpapalampas sa inyo at awa Niya sa pamamagitan ng pagtanggap sa pagbabalik-loob ninyo ay talaga sanang kayo ay naging kabilang sa mga lugi dahilan sa pag-ayaw at pagsuway na iyon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah