Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:58
وَإِذْ قُلْنَا ادْخُلُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ فَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ رَغَدًا وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا وَقُولُوا حِطَّةٌ نَغْفِرْ لَكُمْ خَطَايَاكُمْ ۚ وَسَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ
[Banggitin] noong nagsabi Kami: "Pumasok kayo sa pamayanang ito at kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin nang masagana. Pumasok kayo sa pinto na mga nakayukod. Magsabi kayo: "Pag-aalis-sala," magpapatawad Kami sa inyo sa mga kasalanan ninyo at magdaragdag Kami sa mga tagapagpaganda ng gawa.
Tafsir
Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa inyo ay noong nagsabi Siya: "Magsipasok kayo sa Jerusalem at kumain kayo nang masaganang maalwang pagkain sa loob nito mula mga kaaya-ayang bagay mula sa alinmang lugar na loobin ninyo. Maging mga nakayukod na nagpapasailalim kay Allāh. Magsihiling kayo kay Allāh, na mga nagsasabi: "Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga pagkakasala namin;" tutugon Siya sa inyo at magdaragdag Siya ng gantimpala sa mga nagpaganda sa mga gawa nila dahil sa pagpapaganda nila ng gawa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah