Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:53

وَإِذْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَالْفُرْقَانَ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ

[Banggitin] noong nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at Pamantayan nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.

Tafsir

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito na nagbigay Kami kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng Torah bilang pamantayan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan at bilang paghihiwalay sa pagitan ng patnubay at pagkaligaw, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan sa pamamagitan nito tungo sa katotohanan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah