Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:51
وَإِذْ وَاعَدْنَا مُوسَىٰ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ثُمَّ اتَّخَذْتُمُ الْعِجْلَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَنْتُمْ ظَالِمُونَ
[Banggitin] noong nakipagtipan Kami kay Moises nang apatnapung gabi. Pagkatapos ay gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] noong wala siya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan.
Tafsir
Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito ang pakikipagtipan Namin kay Moises nang apatnapung gabi upang lubusin sa loob niyon ang pagpapababa sa Torah bilang liwanag at patnubay. Pagkatapos walang nangyari sa inyo kundi sumamba kayo sa guya sa yugtong iyon habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan sa paggawa ninyo nito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah