Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:42

وَلَا تَلْبِسُوا الْحَقَّ بِالْبَاطِلِ وَتَكْتُمُوا الْحَقَّ وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ

Huwag kayong maghalo sa katotohanan ng kasinungalingan ni magtago kayo ng katotohanan samantalang kayo ay nakaaalam.

Tafsir

Huwag kayong maglahok sa katotohanan, na pinababa Ko sa mga sugo Ko, ng anumang ginawa-gawa ninyo na mga kasinungalingan at huwag kayong magtago sa katotohanan na nasaad sa mga kasulatan ninyo na katangian ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kabila ng pagkakaalam ninyo sa kanya at pagkatiyak ninyo sa kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah