Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:37
فَتَلَقَّىٰ آدَمُ مِنْ رَبِّهِ كَلِمَاتٍ فَتَابَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّهُ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
Pagkatapos ay nakatanggap si Adan mula sa Panginoon nito ng mga salita at tumanggap Siya sa pagbabalik-loob nito. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagsisi, ang Maawain.
Tafsir
Saka kinuha ni Adan ang ipinukol ni Allāh sa kanya na mga salita at nagpahiwatig Siya rito ng panalangin sa pamamagitan ng mga ito. Ito ay ang nabanggit sa sabi Niya – pagkataas-taas Siya (Qur'ān 7:23): 'Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi."' Kay tumanggap si Allāh sa pagbabalik-loob niya at nagpatawad sa kanya sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay madalas ang pagtanggap ng pagbabalik-loob ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah