Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:31
وَعَلَّمَ آدَمَ الْأَسْمَاءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى الْمَلَائِكَةِ فَقَالَ أَنْبِئُونِي بِأَسْمَاءِ هَٰؤُلَاءِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Nagturo Siya kay Adan ng mga pangalan sa kalahatan ng mga ito. Pagkatapos ay naglahad Siya sa mga ito sa mga anghel at nagasabi: "Magbalita kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito kung kayo ay mga tapat."
Tafsir
Para sa paglilinaw sa kalagayan ni Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nagturo sa kanya si Allāh – pagkataas-taas Siya – ng mga pangalan ng mga bagay sa kabuuan ng mga ito gaya ng hayop, walang-buhay na bagay, at iba pa roon: ang mga salita sa mga ito at ang mga kahulugan ng mga ito. Pagkatapos naglahad Siya ng mga pinangalanang iyon sa mga anghel, na nagsasabi: "Magpabatid kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito, kung kayo ay mga tapat sa sinasabi ninyo na kayo ay higit na marangal kaysa sa nilikhang ito at higit na mainam kaysa sa kanya."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah