Surah 2 · Juz 3

Al-Baqarah · 2:284

لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَإِنْ تُبْدُوا مَا فِي أَنْفُسِكُمْ أَوْ تُخْفُوهُ يُحَاسِبْكُمْ بِهِ اللَّهُ ۖ فَيَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ

Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kung maglalantad kayo ng nasa mga sarili ninyo o magkukubli kayo nito, magtutuos sa inyo nito si Allāh, saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Tafsir

Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa. Kung magpapalitaw kayo ng anumang nasa mga puso ninyo o magkukubli kayo nito ay makaaalam nito si Allāh at magtutuos Siya sa inyo nito, saka magpapatawad Siya matapos niyon sa sinumang niloloob Niya bilang kagandahang-loob at awa, at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang katarungan at karunungan. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah