Surah 2 · Juz 3

Al-Baqarah · 2:271

إِنْ تُبْدُوا الصَّدَقَاتِ فَنِعِمَّا هِيَ ۖ وَإِنْ تُخْفُوهَا وَتُؤْتُوهَا الْفُقَرَاءَ فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۚ وَيُكَفِّرُ عَنْكُمْ مِنْ سَيِّئَاتِكُمْ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

Kung maglalantad kayo ng mga kawanggawa ay kay inam ng mga ito! Kung magkukubli kayo ng mga ito at magbibigay kayo ng mga ito sa mga maralita, iyon ay higit na mabuti para sa inyo. Magtatakip-sala si Allāh para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid.

Tafsir

Kung maghahayag kayo ng ipinagkakaloob ninyo na kawanggawa sa pamamagitan ng salapi ay kay inam na kawanggawa ang kawanggawa ninyo! Kung magkukubli kayo nito at magbibigay kayo nito sa mga maralita, iyon ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa paghahayag nito dahil iyon ay higit na malapit sa pagpapakawagas. Sa mga kawanggawa ng mga nagpapakawagas ay may panakip sa mga pagkakasala nila at kapatawaran para sa mga ito. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga kalagayan ninyo.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah