Surah 2 · Juz 2
Al-Baqarah · 2:252
تِلْكَ آيَاتُ اللَّهِ نَتْلُوهَا عَلَيْكَ بِالْحَقِّ ۚ وَإِنَّكَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ
Iyon ay ang mga tanda ni Allāh, na binibigkas ang mga iyon sa iyo kalakip ng katotohanan. Tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo.
Tafsir
Iyon ay ang maliwanag na malinaw na mga tanda ni Allāh, na binibigkas ang mga iyon sa iyo, O Propeta, na naglalaman ng katapatan sa mga balita at ng katarungan sa mga kahatulan. Tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah