Surah 2 · Juz 2
Al-Baqarah · 2:241
وَلِلْمُطَلَّقَاتِ مَتَاعٌ بِالْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى الْمُتَّقِينَ
Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang tatamasain ayon sa nakabubuti bilang tungkulin sa mga tagapangilag magkasala.
Tafsir
Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang sustento na tatamasain nila gaya ng pananamit o salapi o iba pa roon bilang pag-aaliw sa mga damdamin nilang nawasak dahil sa diborsiyo at sang-ayon sa nakabubuti na pagsasaalang-alang sa kalagayan ng asawa ayon sa kasalatan at kasaganaan. Ang kahatulang ito ay tungkuling napagtibay sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah