Surah 2 · Juz 2
Al-Baqarah · 2:202
أُولَٰئِكَ لَهُمْ نَصِيبٌ مِمَّا كَسَبُوا ۚ وَاللَّهُ سَرِيعُ الْحِسَابِ
Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang bahagi mula sa kinamit nila. Si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos.
Tafsir
Ang mga dumadalanging iyon ng dalawang mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay ay may ukol sa kanila na bahagi mula sa gantimpalang dakila dahil sa nakamit nila na mga gawang maayos sa Mundo. Si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos sa mga gawa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah