Surah 2 · Juz 2
Al-Baqarah · 2:200
فَإِذَا قَضَيْتُمْ مَنَاسِكَكُمْ فَاذْكُرُوا اللَّهَ كَذِكْرِكُمْ آبَاءَكُمْ أَوْ أَشَدَّ ذِكْرًا ۗ فَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَقُولُ رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا وَمَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ مِنْ خَلَاقٍ
Kapag nakatapos kayo ng mga gawaing-pagsamba ninyo ay mag-alaala kayo kay Allāh gaya ng pag-alaala ninyo sa mga ninuno ninyo o higit na matindi sa pag-alaala. Mayroon sa mga taong nagsasabi: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo," at walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay na anumang bahagi.
Tafsir
Kapag nagwakas kayo sa mga gawain ng ḥajj at natapos kayo sa mga ito ay alalahanin ninyo si Allāh at magparami kayo ng pagbubunyi sa Kanya gaya ng pagmamalaki ninyo sa mga ninuno ninyo at pagbubunyi ninyo sa kanila, o ng higit na matindi sa pag-alaala kay Allāh kaysa sa pag-alaala sa mga ninuno ninyo dahil ang bawat biyayang tinatamasa ninyo ay mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Ang mga tao ay mga nagkakaiba-iba sapagkat kabilang sa kanila ang tagatangging sumampalataya na tagapagtambal, na hindi sumasampalataya kundi sa buhay na ito sa Mundo kaya wala siyang hinihiling sa Panginoon niya kundi ang kaginhawahan dito at gayak nito gaya ng kalusugan, salapi, at anak. Wala silang bahagi mula sa inihanda ni Allāh para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya sa Kabilang-buhay dahil sa pagkaibig nila sa Mundo at pag-ayaw nila sa Kabilang-buhay.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah