Surah 2 · Juz 2

Al-Baqarah · 2:182

فَمَنْ خَافَ مِنْ مُوصٍ جَنَفًا أَوْ إِثْمًا فَأَصْلَحَ بَيْنَهُمْ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ

Ngunit ang sinumang nangamba sa isang nagtatagubilin ng isang kalisyaan o isang kasalanan, saka nagsaayos sa pagitan nila, ay walang pagkakasala sa kanya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Tafsir

Ngunit ang sinumang nakaalam mula sa may-ari ng tagubilin ng isang pagkiling palayo sa katotohanan o isang pang-aapi sa tagubilin saka nagsaayos siya sa itiniwali ng tagapagsatagubilin sa pamamagitan ng pagpapayo rito at nagsaayos sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba sa tagubilin, walang kasalanan sa kanya roon, bagkus siya ay pabubuyaan sa pagsasaayos niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbabalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah