Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:16

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الضَّلَالَةَ بِالْهُدَىٰ فَمَا رَبِحَتْ تِجَارَتُهُمْ وَمَا كَانُوا مُهْتَدِينَ

Ang mga iyon ay ang mga bumili sa kaligawan kapalit ng patnubay kaya hindi tumubo ang kalakalan nila. Hindi sila noon mga napatnubayan.

Tafsir

Ang mga mapagpaimbabaw na iyon na mga nailalarawan sa mga katangiang iyon ay ang mga nagpalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya kaya hindi tumubo ang kalakalan nila dahil sa pagkalugi nila sa pananampalataya kay Allāh. Hindi sila noon mga napatnubayan tungo sa katotohanan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah