Surah 2 · Juz 2

Al-Baqarah · 2:156

الَّذِينَ إِذَا أَصَابَتْهُمْ مُصِيبَةٌ قَالُوا إِنَّا لِلَّهِ وَإِنَّا إِلَيْهِ رَاجِعُونَ

na mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian ay nagsasabi sila: "Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay sa Kanya mga manunumbalik.

Tafsir

Yaong mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian mula sa mga kasawiang iyon ay nagsasabi sila nang may pagkalugod at pagpapasakop: "Tunay na kami ay pag-aari para kay Allāh: ginagawa Niya sa amin ang anumang niloob Niya. Tunay na kami ay sa Kanya mga manunumbalik sa Araw ng Pagbangon sapagkat Siya ay ang lumikha sa amin at nagmagandang-loob sa amin sa pamamagitan ng magkakaiba-ibang mga biyaya at tungo sa Kanya ang pagbabalikan namin at ang wakas ng nauukol sa amin."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah