Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:133
أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ حَضَرَ يَعْقُوبَ الْمَوْتُ إِذْ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعْبُدُونَ مِنْ بَعْدِي قَالُوا نَعْبُدُ إِلَٰهَكَ وَإِلَٰهَ آبَائِكَ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ إِلَٰهًا وَاحِدًا وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ
O kayo ba ay mga saksi noong dumating kay Jacob ang kamatayan? Noong nagsabi siya sa mga anak niya: "Ano ang sasambahin ninyo matapos ko" ay nagsabi sila: "Sasambahin namin ang Diyos mo at ang Diyos ng mga ninuno mong sina Abraham, Ismael, at Isaac: nag-iisang Diyos, at kami ay sa Kanya mga tagapasakop."
Tafsir
O kayo ba ay mga nakadalo sa nangyari kay Jacob nang dumating sa kanya ang pagpanaw nang nagsabi siya sa mga anak niya habang nagtatanong sa kanila: "Ano ang sasambahin ninyo matapos ng kamatayan ko?" Nagsabi sila bilang sagot sa tanong niya: "Sasambahin namin ang Diyos mo at ang Diyos ng mga ninuno mong sina Abraham, Ismael, at Isaac: nag-iisang Diyos, walang katambal sa Kanya, habang kami sa Kanya lamang ay mga sumusuko at mga nagpapaakay."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah