Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:131
إِذْ قَالَ لَهُ رَبُّهُ أَسْلِمْ ۖ قَالَ أَسْلَمْتُ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ
[Banggitin] noong nagsabi sa kanya ang Panginoon niya: "Magpasakop ka" ay nagsabi siya: "Nagpasakop ako sa Panginoon ng mga nilalang."
Tafsir
Pumili sa kanya si Allāh dahil sa pagdali-dali niya sa pagpapasakop nang nagsabi sa kanya ang Panginoon niya: "Magpakawagas ka sa Akin sa pagsamba at magpasailalim ka sa Akin sa pagtalima." Kaya nagsabi siya, na tumutugon sa Panginoon niya: "Nagpasakop ako kay Allāh, ang Tagalikha ng mga tao, ang Tagatustos nila, at ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan nila."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah