Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:13
وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ آمِنُوا كَمَا آمَنَ النَّاسُ قَالُوا أَنُؤْمِنُ كَمَا آمَنَ السُّفَهَاءُ ۗ أَلَا إِنَّهُمْ هُمُ السُّفَهَاءُ وَلَٰكِنْ لَا يَعْلَمُونَ
Kapag sinabi sa kanila: "Sumampalataya kayo kung paanong sumampalataya ang mga tao" ay nagsasabi sila: "Sasampalataya ba kami kung paanong sumampalataya ang mga hunghang?" Pansinin, tunay na sila ay ang mga hunghang subalit hindi nila nalalaman.
Tafsir
Kapag inutusan sila ng pagsampalataya gaya ng pagsampalataya ng mga kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay sumasagot sila sa paraang patutol at pakutya sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Sasampalataya ba kami gaya ng pananampalataya ng mahihina ang mga pang-unawa?" Ang totoo ay na sila ay ang mga hunghang, subalit sila ay mangmang doon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah