Surah 18 · Juz 16

Al-Kahf · 18:94

قَالُوا يَا ذَا الْقَرْنَيْنِ إِنَّ يَأْجُوجَ وَمَأْجُوجَ مُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ فَهَلْ نَجْعَلُ لَكَ خَرْجًا عَلَىٰ أَنْ تَجْعَلَ بَيْنَنَا وَبَيْنَهُمْ سَدًّا

Nagsabi sila: "O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog ay mga tagapanggulo sa lupain. Kaya magtatalaga ba kami para sa iyo ng isang gugulin para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang harang?"

Tafsir

Nagsabi sila: "O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog (tumutukoy sila sa dalawang kalipunang malaki kabilang sa mga anak ni Adan) ay mga tagagulo sa lupain dahil sa isinasagawa nila na pagpatay at iba pa. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng yaman para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang pangharang?"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah