Surah 18 · Juz 16
Al-Kahf · 18:88
وَأَمَّا مَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَهُ جَزَاءً الْحُسْنَىٰ ۖ وَسَنَقُولُ لَهُ مِنْ أَمْرِنَا يُسْرًا
Tungkol sa sinumang sumampalataya at gumawa ng gawang maayos, ukol sa kanya bilang isang ganti ang Pinakamaganda. Magsasabi kami sa kanya mula sa utos namin nang magaan."
Tafsir
Hinggil sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at gumawa ng gawang maayos, ukol dito ang Paraiso bilang ganti mula sa Panginoon nito dahil sa pananampalataya nito at gawa nitong maayos. Magsasabi kami rito mula sa utos namin nang may kabaitan at pagkabanayad."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah