Surah 18 · Juz 15
Al-Kahf · 18:32
۞ وَاضْرِبْ لَهُمْ مَثَلًا رَجُلَيْنِ جَعَلْنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيْنِ مِنْ أَعْنَابٍ وَحَفَفْنَاهُمَا بِنَخْلٍ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمَا زَرْعًا
Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalimbawa sa dalawang lalaki: gumawa Kami para sa isa sa kanilang dalawa ng dalawang hardin ng mga ubas, nagpalibot Kami sa dalawang ito ng mga punong-datiles, at naglagay Kami sa pagitan ng dalawang ito ng mga pananim.
Tafsir
Maglahad ka, O Sugo, ng isang paghahalintulad ng dalawang lalaki: isang tagatangging sumampalataya at isang mananampalataya. Nagtalaga Kami para sa tagatangging sumampalataya kabilang sa kanilang dalawa ng dalawang taniman ng mga ubas, nagpaligid Kami sa dalawang taniman ng mga punong-datiles, at nagpatubo Kami sa bakanteng bahagi ng kalatagan ng dalawang ito ng mga pananim.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah