Surah 18 · Juz 15
Al-Kahf · 18:28
وَاصْبِرْ نَفْسَكَ مَعَ الَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ بِالْغَدَاةِ وَالْعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُ ۖ وَلَا تَعْدُ عَيْنَاكَ عَنْهُمْ تُرِيدُ زِينَةَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَا تُطِعْ مَنْ أَغْفَلْنَا قَلْبَهُ عَنْ ذِكْرِنَا وَاتَّبَعَ هَوَاهُ وَكَانَ أَمْرُهُ فُرُطًا
Pagtiisin mo ang sarili mo sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais ng ikalulugod Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay sa Mundo. Huwag kang tumalima sa sinumang pinalingat Namin ang puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin, sumunod sa pithaya niya, at nangyaring ang lagay niya ay kapabayaan.
Tafsir
Mag-obliga ka sa sarili mo sa pagsama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila ng panalangin ng pagsamba at panalangin ng paghiling sa simula ng maghapon at wakas nito, habang mga nagpapakawagas sa Kanya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng pakikisama sa mga may kayamanan at kamaharlikaan. Huwag kang tumalima sa sinumang ginawa Namin ang puso niya na nalilingat sa pag-alaala sa Amin sa pamamagitan ng pagtatakip Namin dito, kaya nag-utos siya sa iyo ng pagpapalayo sa mga maralita buhat sa pagtitipon mo at nagpauna siya ng pinipithaya ng sarili niya kaysa sa pagtalima sa Panginoon niya habang ang mga gawain niya ay naging pagkasayang.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah