Surah 18 · Juz 15

Al-Kahf · 18:15

هَٰؤُلَاءِ قَوْمُنَا اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً ۖ لَوْلَا يَأْتُونَ عَلَيْهِمْ بِسُلْطَانٍ بَيِّنٍ ۖ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا

Ang mga iyon, ang mga tao namin, ay gumawa, bukod pa sa Kanya, ng mga diyos. Bakit kaya hindi sila nagdadala para sa mga ito ng isang katunayang malinaw? Kaya sino ba ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?

Tafsir

Pagkatapos lumingon ang iba sa kanila sa iba pa habang mga nagsasabi: "Ang mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa bukod pa kay Allāh ng mga sinasambang sinasamba nila gayong sila ay hindi nagmamay-ari para sa pagsamba sa mga iyon ng isang patotoong maliwanag. Kaya walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal sa Kanya."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah