Surah 18 · Juz 15

Al-Kahf · 18:13

نَحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ نَبَأَهُمْ بِالْحَقِّ ۚ إِنَّهُمْ فِتْيَةٌ آمَنُوا بِرَبِّهِمْ وَزِدْنَاهُمْ هُدًى

Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng balita sa kanila ayon sa katotohanan. Tunay na sila ay mga binatang sumampalataya sa Panginoon nila. Nagdagdag Kami sa kanila ng patnubay.

Tafsir

Kami ay nagpapabatid sa iyo, O Sugo, ng ulat sa kanila ayon sa katapatang walang mapag-aalinlanganan kasama dito. Tunay na sila ay mga kabataang sumampalataya sa Panginoon nila at gumawa ng pagtalima sa Kanya. Nagdagdag Kami sa kanila ng kapatnubayan at pagpapatatag sa katotohanan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah