Surah 18 · Juz 16

Al-Kahf · 18:110

قُلْ إِنَّمَا أَنَا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ فَمَنْ كَانَ يَرْجُو لِقَاءَ رَبِّهِ فَلْيَعْمَلْ عَمَلًا صَالِحًا وَلَا يُشْرِكْ بِعِبَادَةِ رَبِّهِ أَحَدًا

Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo, na ikinasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang umaasa ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay sinasambang nag-iisang walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Kaya ang sinumang nangyaring nangangamba sa pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang umaalinsunod sa batas ni Allāh bilang nagpapakawagas dito para sa Panginoon niya at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah