Surah 18 · Juz 16
Al-Kahf · 18:105
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ وَلِقَائِهِ فَحَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فَلَا نُقِيمُ لَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَزْنًا
Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila at pakikipagkita sa Kanya kaya nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila. Kaya hindi Kami mag-uukol para sa kanila Araw ng Pagbangon ng isang timbang.
Tafsir
Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at tumangging sumampalataya sa pakikipagkita sa Kanya kaya napawalang-saysay ang mga gawain nila dahil sa kawalang-pananampalataya nila sa mga iyon saka walang ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon na isang halaga sa ganang kay Allāh.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah