Surah 18 · Juz 16
Al-Kahf · 18:102
أَفَحَسِبَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنْ يَتَّخِذُوا عِبَادِي مِنْ دُونِي أَوْلِيَاءَ ۚ إِنَّا أَعْتَدْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ نُزُلًا
Kaya nag-akala ba ang mga tagatangging sumampalataya na makagagawa sila sa mga alipin Ko bukod pa sa Akin bilang mga katangkilik? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang isang tuluyan.
Tafsir
Kaya nagpalagay ba ang mga tumangging sumampalataya sa Akin na makagawa sila sa mga alipin Ko na mga anghel, mga sugo, at mga demonyo bilang mga sinasamba bukod pa sa Akin? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tahanan para sa pananatili nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah