Surah 18 · Juz 15

Opening of Al-Kahf · Al-Kahf 18:10

إِذْ أَوَى الْفِتْيَةُ إِلَى الْكَهْفِ فَقَالُوا رَبَّنَا آتِنَا مِنْ لَدُنْكَ رَحْمَةً وَهَيِّئْ لَنَا مِنْ أَمْرِنَا رَشَدًا

[Banggitin noong] nagpakanlong ang mga binata sa yungib at nagsabi sila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan."

Tafsir

Banggitin mo, O Sugo, nang nagpakandili ang mga kabataang mananampalataya dahil sa pagtakas dahil sa relihiyon nila saka nagsabi sila sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin mula sa ganang Iyo ng isang awa sa pamamagitan ng pagpapatawad Mo sa amin sa mga pagkakasala namin at pagliligtas Mo sa amin mula sa mga kaaway namin. Gumawa Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa paglikas palayo sa mga tagatangging sumampalataya at [nauukol] sa pananampalataya, ng isang pagkapatnubay tungo sa daan ng katotohanan at isang pagkatama."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah