Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:93

أَوْ يَكُونَ لَكَ بَيْتٌ مِنْ زُخْرُفٍ أَوْ تَرْقَىٰ فِي السَّمَاءِ وَلَنْ نُؤْمِنَ لِرُقِيِّكَ حَتَّىٰ تُنَزِّلَ عَلَيْنَا كِتَابًا نَقْرَؤُهُ ۗ قُلْ سُبْحَانَ رَبِّي هَلْ كُنْتُ إِلَّا بَشَرًا رَسُولًا

o mangyaring mayroon kang isang bahay na yari sa ginto o umakyat ka sa langit at hindi kami maniniwala sa pag-akyat mo hanggang sa magpababa ka sa amin ng isang aklat na babasahin namin." Sabihin mo: "Napakamaluwalhati ng Panginoon ko; walang iba ako kundi isang mortal na sugo."

Tafsir

o magkaroon ka ng isang bahay na napapalamutian ng ginto at iba pa o pumanik ka sa langit. Hindi kami sasampalataya na ikaw ay isinugo kahit pumanik ka pa roon maliban kapag nagbaba ka ng isang aklat mula sa ganang kay Allāh na sinulatan, na mababasa namin na nakasaad doon na ikaw ay Sugo ni Allāh." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kaluwalhatian sa Panginoon ko! Walang iba ako kundi isang taong sugo gaya ng lahat ng mga sugo. Hindi ako nakakakaya ng paglalahad ng isang bagay kaya papaanong ukol sa akin na maghatid ako ng iminungkahi ninyo?"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah