Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:85

وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الرُّوحِ ۖ قُلِ الرُّوحُ مِنْ أَمْرِ رَبِّي وَمَا أُوتِيتُمْ مِنَ الْعِلْمِ إِلَّا قَلِيلًا

Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa kaluluwa. Sabihin mo: "Ang kaluluwa ay kabilang sa nauukol sa Panginoon ko at hindi kayo binigyan ng kaalaman kundi kakaunti."

Tafsir

Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan tungkol sa reyalidad ng kaluluwa kaya sabihin mo sa kanila: "Walang nakaaalam sa reyalidad ng kaluluwa kundi si Allāh at hindi kayo binigyan at ang lahat ng mga nilikha ng kaalaman kundi kakaunti kung ihahambing sa kaalaman ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah