Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:82
وَنُنَزِّلُ مِنَ الْقُرْآنِ مَا هُوَ شِفَاءٌ وَرَحْمَةٌ لِلْمُؤْمِنِينَ ۙ وَلَا يَزِيدُ الظَّالِمِينَ إِلَّا خَسَارًا
Nagpapababa Kami mula sa Qur’ān ng isang pagpapagaling at isang awa para sa mga mananampalataya, at walang naidadagdag ito sa mga tagalabag sa katarungan kundi isang pagkalugi.
Tafsir
Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng pagpapagaling para sa mga puso mula sa kamangmangan, kawalang-pananampalataya, at pagdududa; ng pagpapagaling sa mga katawan kapag ginamit ito sa ruqyah; at ng awa para sa mga mananampalatayang nagsasagawa nito. Walang naidaragdag ang Qur'ān na ito sa mga tagatangging sumampalataya kundi isang kapahamakan dahil ang pagkarinig dito ay nagpapangitngit sa kanila at nakadaragdag sa kanila ng pagpapasinungaling at pag-ayaw rito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah