Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:78
أَقِمِ الصَّلَاةَ لِدُلُوكِ الشَّمْسِ إِلَىٰ غَسَقِ اللَّيْلِ وَقُرْآنَ الْفَجْرِ ۖ إِنَّ قُرْآنَ الْفَجْرِ كَانَ مَشْهُودًا
Panatilihin mo ang pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagdilim ng gabi at ang [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw. Tunay na ang [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].
Tafsir
Magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan sa mga oras nito mula sa paglilis ng araw palayo sa rurok ng langit. Sumasaklaw iyon sa pagdarasal ng dhuhr at `aṣr hanggang sa pagdilim ng gabi, na sumasaklaw sa pagdarasal ng maghrib at `ishā'. Magpanatili ka ng pagdarasal ng fajr at magpahaba ka ng pagbigkas [ng Qur’ān] dito sapagkat ang pagdarasal ng fajr ay dinadaluhan ng mga anghel ng gabi at mga anghel ng maghapon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah