Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:76

وَإِنْ كَادُوا لَيَسْتَفِزُّونَكَ مِنَ الْأَرْضِ لِيُخْرِجُوكَ مِنْهَا ۖ وَإِذًا لَا يَلْبَثُونَ خِلَافَكَ إِلَّا قَلِيلًا

Tunay na halos sila ay talagang nakasusulsol sa iyo [na lumisan] mula sa lupain [ng Makkah] upang magpalabas sila sa iyo mula rito; at kung gayon ay hindi sila mananatili pagkaraan mo maliban sa kaunting [panahon].

Tafsir

Talaga ngang kamuntik na ang mga tagatangging sumampalataya na bumulahaw sa iyo dahil sa pagkamuhi nila sa iyo upang magpalabas sila sa iyo mula sa Makkah subalit pumigil sa kanila si Allāh sa pagpapalabas sa iyo hanggang sa lumikas ka ayon sa utos ng Panginoon mo. Kung sakaling nakapagpalabas sila sa iyo ay hindi sana sila nanatili matapos ng pagpapalabas sa iyo maliban sa isang maikling panahon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah