Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:67
وَإِذَا مَسَّكُمُ الضُّرُّ فِي الْبَحْرِ ضَلَّ مَنْ تَدْعُونَ إِلَّا إِيَّاهُ ۖ فَلَمَّا نَجَّاكُمْ إِلَى الْبَرِّ أَعْرَضْتُمْ ۚ وَكَانَ الْإِنْسَانُ كَفُورًا
Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang mga dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat.
Tafsir
Kapag may sumaling sa inyo, O mga tagapagtambal, na isang pagsubok na kinasusuklaman sa dagat hanggang sa natakot kayo sa kapahamakan ay nalingid sa hinagap ninyo ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay Allāh. Walang kayong naalaala kundi si Allāh kaya nagpapasaklolo kayo sa Kanya ngunit nang sumaklolo Siya sa inyo, nagligtas Siya sa inyo mula sa pinangangambahan ninyo, at napunta kayo sa kalupaan ay umaayaw naman kayo sa paniniwala sa kaisahan Niya at sa pagdalangin sa Kanya lamang at nanunumbalik kayo sa mga anito ninyo. Laging ang tao ay mapagkaila sa mga biyaya ni Allāh.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah